To someone who inspired me enough to write this poem sequence--a set of poems that explore a single complication, like what's usually done in a novel, but this time, applied to poetry--as our untiring teacher-poet Allan Popa made us see; he who opened my eyes to paradox and ambiguity as we sat in the faculty conference room of the Filipino department on the third floor of ADMU's Horacio dela Costa building while outside the window, the leaves and gnarled branches of acacia filter the heat of summer. To my roommate Pratish, a natural poet who can recognize poetry by the sound of it even if it is in a foreign tongue she doesn't understand, to the people close and not so close to me who allow me to "see," to friends who have been tolerant of my long absences, disappearances and resurfacing, to the young writers of Matanglawin who sat in that class through thick and thin, while I - always at a loss for words in that "other" language they call Filipino but which is actually Tagalog - grappled with images and never let go.
SIMBAHANG BATO
(a poem sequence)
Gising
Inang nakaratay sa loob ng silid,
ama at tanong ng mga kapatid,
iniligpit sa isip
habang ika’y sumahimpapawid
Dito sa kabilang daigdig
Hinahanap mo si Kristo sa kasukalan ng Tondo
nang abutan ka ng Martial Law
at pilit iniligpit sa loob ng silid. Sa dilim ng curfew
naaaninaw mo ang mga anino
ng maraming inang gising na gising
sa iyong pagdating.
“Blood of Martyrs”
Matagal nang patay ang mga santo
ngunit ganoon pa rin kung patiwarik na ibitin
ang isang taong ayaw umamin
Isang timba ng tubig, naghihintay sa ibaba
naghihintay sa nahihintakutang mukha
doon ilulublob pansamantala
upang ilang saglit na mag-agaw-hininga.
Ngunit bago tuluyang lagutan ng hangin
hahayaang huminga sa pagkakabitin
hahayaang humingal ng iilang saglit
bago muling ilublob nang paulit-ulit
pabalikbalik ang halik sa tubig
hanggang wala nang maikumpisal—kundi tubig.
May Likha
Nakatagpo mo Siya sa pagitan
ng mga tula ng pagdurusa.
Nakatagpo mo Siya sa
pagitan
ng mga tula ng
pagdurusa.
Nakatagpo mo Siya
sa pagitan ng mga tula
ng pagdurusa.
Simbahang Bato
Sa loob ng simbahang bato
nakahilera ang mga santo
Naninigas sa pagkakaupo
ang nagmamanman sa may pinto
habang inuusal mo
ang banal na panalangin
Ayaw na yatang magising
ng pulubing nahihimbing
Damang dama mo ang mga mata
sa mga dinding na semento
Papaluhod na lumalakad
sa altar na ginto
ang kay raming may bagabag sa puso.
Pinagmasdan mo ang dugo
sa mga paang nakapako
unti-unting natutuyo.
Tinatawag
Kay rami nang patay sa liblib
na sitio ng New Panay
Patuloy silang tumatawag ng tulong,
kumakatok sa simbahan, nagtatanong.
Nasaan ang Diyos? Takot din ba siya
sa Cafgu? At di mo alam ang isasagot
Sa pinid na pinto at mga bintana
binubuklat mo ang aklat
pilit inunawa ang bawat salita
pilit inunawa kung bakit
ang Diyos ay biglang nawawala.
OB List
Mula nang mapabalita na kasama
ang iyong pangalan sa humahabang listahan
mga pangalang isa-isang buburahin
sa listahan hindi ka na mapalagay
Paano maninimbang sa pagitan
ng kanan at kaliwa ang aklat
ng magandang Balita?
Alagad
Balitang-balita ko pa
kung paano mo pinatakbo
ang luma mong Isuzu
sa gitna ng daang pa-Cotabato
nang mapansin ang mga motorsiklong
sumusunod sa iyo.
Ba’t mo pa kasi sinundan si Kristo
sa bako-bakong landas ng Columbio
upang dalawin ang mga musmos
sa mga dampang naghihikahos
sa mga bundok na pinupuyos ng takot at poot?
Kung naghintay ka lang
sa loob ng kumbento
upang pagpira-pirasuhin ang tinapay tuwing Linggo—
Di na sana sumabog ang matigas mong ulo.
No comments:
Post a Comment