Wednesday, March 26, 2008

Poem from Paring Bert

A poem from poet-anthropologist-philosopher-Jesuit priest Fr. Albert Alejo. It's interesting to read a more elaborate discussion of his poem here.

Lakbay-Kamay

Ano't tila singlawak
ng lupaing pangarap
itong munti mong kamay
dito, mahal, sa aking palad?

Ang mga ulap sa iyong mga kuko
ang mga bangin sa mga daliri mo
ang manipis na batis ng iyong balahibo
at ang pagpapalit-palit ng panahon
ng init at lamig sa bigla mong pagpisil,
pagbitiw, at pagkapit ng ubod-higpit
sa bawat panaka-naka nating pagtatagpo
na kung bakit laging kailangang patago--
lahat ay tila kawalang hanggang
paano ba lalakbaying pilit
nitong nalulula, at nangingimi kong
mabilisang paghalik.

No comments: